Tungkol sa “Not Just Love Stories”

Ang “Not Just Love Stories” ay isang art co-creation project na pinag-uusapan ang damdamin at mobility. Ang nagdisenyo sa proyektong ito ay ang mga literato at mga artists, at iniimbitahan din nila ang mga South East Asian migrant workers community na sumali. Nagsimula ang proyekto sa taong 2020 at patuloy na umuunlad.

Ginagamit ang damdamin bilang tema ng “Not Just Love Stories”, sumali sa proyekto ang mga South East Asian migrant workers community bilang partner at bahagi ng participatory project upang mapag-aralan ang kolaborasyon ng bawat community at ipinagpatuloy din ang pag-iisip kung paano bumuo ng mas malikhaing pakikipag-ugnayan at paggawa ng alternatibong kaalaman sa isyu ng mga migranteng manggagawa sa Taiwan. Nagfo-focus ang “Not Just Love Stories” sa mga research at co-creation mula 2020. Nagsimula ang proyekto sa mga dokumento at interview, at sumunod naman ang eksperimento na kasama ang field research sa mga migrant workers community, participatory project at pagkonekta sa mga Taiwanese literature at visual art creators sa taong 2021. Pangatlong taon na ang proyekto sa 2022. Sa batayan ng pananaliksik at malikhaing pag-unlad ng nakaraang dalawang taon, ito ay bubuo ng mas kumpletong malikhaing plano, pananaliksik at presentasyon ng mga aktibidad.


Magkakaroon ng 3 bahagi ang proyekto sa taong 2022:

Arts-in-Residence:Papasok ang koponan sa King Wan Wan Shop Mall sa Zhongshan North Road ng Taipei, dito gaganapin ang mga interview sa field research, art events at mangongolekta ng mga istoryang tungkol sa “pag-ibig” kasama ang mga Filipino community at makipag-interact sa kanila.

Literature Co-writing:Ipagpatuloy ang co-writing sa 2021 at patuloy na imbitahan ang mga Taiwanese at Indonesian na manunulat na gumawa ng romance literature na may temang pag-ibig. Inimbitahan din ang mga Indonesian migrant workers photography community na magsagawa ng pang-eksperimentong pagsasalin ng mga gawa.

Art Creation Researh:Inimbitahan dito ang mga visual artists na si Cheng Jen Pei at si Wei Ze. Ang tema ng art creation research ay tungkol sa cross-cultural romance at mga batang walang residence registration sa Taiwan.


Bukod sa temang “Not Just Love Stories”, ginagamit din ang “mobility” upang ipahayag ang pagbibigay pansin sa mga migrants at kumukuha din ng inspirasyon sa mga “romance” literature bilang “formula” sa buong proyekto sa taong 2022. Tungkol sa content ng website, Inaasahan naming bumalik sa mismong proyekto kasama ang mga inspirasyon na galing sa literatue. Gagamitin namin ang “pag-edit” at “pag-compose” para sa istraktura ng website at ito ay patuloy na gagawa ng mas marami pang creation sa graphic at literature at inaasahan din naming ipakita ang mga ito sa eksibisyon ng 2023.

Hanggang ngayon, hindi pa tapos ang paggwa ng “Not Just Love Stories”, patuloy na may iba’t ibang mga creator na gumagawa pa ng mga istorya. Welcome po kayong lahat na maging reader at creator namin.

策展人

Partners

指導單位:
主辦單位:
共同策劃:

SEA plateaus 為財團法人文化臺灣基金會所設立之東南亞文化交流平台。SEA 代表海洋,是東南亞 Southeast Asia 的英文縮寫。plateaus 是高原,也是強度與密度的表現,於平面上創造、孕育各式紋理。SEA plateaus 關注國際網絡串連,以去中心化方式,將臺灣置於東南亞地緣群體關係中,以文化為流動媒介,協同國內外創作者一起探掘、發想、拓展、促動各類藝術計畫,開啟多維、眾向、繁態的交流模式。

Special Thanks

  • Flower Fairies in Won Won BuildingRichard、鄒子欣、譚勻捷、Elsa, YU Hui-Shuang、Chih-hua CHIU、Rikey Tēnn Bun-ki、Ali Y、Yuji de Torres

  • SEA plateausPing Sun、Emma Yuan-Yu Liao

  • Who welcomed our visitTaoyuan Serve the People Association、蘇格澳底海洋書苑的貓哥

  • Friendly Neighbors美髮店、Evergreen Flowers Shop、美甲店、小吃店

Creators

Aris

Chandra

Evi Agustika

Jhodyn

Muhamad Fauzi

Pahrudin

Tari Sasha

Toni

何柏儒

LIU Chun-liang

WU Mei-chi

Lin Hsin-hui

Yang Shuang-zi

Jen Pei Cheng

Xiao Jun-yi

LAI Wei-yu

Wei Ze