Marami kaming na-interview na mga tindahan sa King Wan Wan at mga kababayan na namamasyal sa proyektong ito. Gumawa kami ng isang mapa para sa dating, nandito ang mga lugar na madalas nilang pinupuntahan at ang mga dahilan kung bakit nila pinili ang mga lugar na ito. I-check na natin~
Mga magagandang lugar para mamasyal:
Maraming libreng open space sa Taipei, para lahat ay makapag-date, mamasyal o magsaya kasama ang kanilang mga anak. Karamihan sa mga lugar na napili ay libre at puwedeng makapagpahinga sa natural na kapaligiran, lalo na ang mga piknik sa parke ay napakasikat na aktibidad. Ang mga malawak na tanawin ay napakasarap kunan ng mga litrato~
- King Wan Wan Shop Mall
- Chiang Kai-shek Memorial Hall
- Tamsui Lover's Bridge
- Taipei Expo Park
- Taipei 101 (Hindi naman kailangang pumanik sa tuktok)
- Dahu Park
- Daan Forest Park
- Chiang Kai-Shek Shilin Residence
Ang pag-uupo at pakikipag-kuwentuhan habang kumakain ay hindi nakakapagod:
Maraming mga kaibigang Pilipino na nagtatrabaho sa Taiwan ay kailangang pumasok sa trabaho sa ordinaryong araw man o Linggo, at kung minsan ay nakakapagpahinga lamang ng isang araw sa isang buwan. Siyempre, ang gayong mahalagang oras ay dapat na nakalaan para sa mga mabubuting kaibigan at kasintahan upang makipag-kuwentuhan ng walang hanggan~ Kaya naging importante ang pagpili ng mga restawran, dapat mura at bukas ang mga ito hanggang gabi, maaaring may mga tindahan na bukas ng 24 oras o madaling magpa take-out upang ang lahat ay magtipon-tipon para kumain at mag-enjoy na magkasama pagkatapos ng trabaho.
- City Star Restaurant(Hong Kong Style Yum Cha. Maraming branches at bukas ng 24 oras. Pagkatapos ng trabaho, maaari kang kumain at makipag-kuwentuhan sa iyong kasintahan at mga kaibigan nang hindi nagmamadali.)
- Napoli Pizza(Mahilig ang mga nagtatrabaho sa King Wan Wan at mga kaibigan na namamasyal doon, kumain ng pizza at fried chicken. Parati sila nagpapa-deliver tuwing Linggo at sabay-sabay kumain habang nakaupo sa King Wan Wan.)
- The Top(Nasa Yangmingshan at malapit sa restawran ng Chinese Culture University. Maganda ito, makikita dito ang night view habang kumakain. Bagay ito sa isang romantikong date.)
- True Love Peach Blossom Garden Restaurant(Isang restawran na may magandang tanawin, perpekto ito kapag may mga espesyal na anibersaryo kasama ang iyong kasintahan.)
Ang aming Dating Map ay patuloy na ina-update sa pamamagitan ng pagboto, magbahagi na ng inyong mga paboritong lugar para sa dating (puwede sa Taipei o iba pang mga county/city), o puwede ring bumoto para sa inyong mga paboritong lugar!