Ang papel at mga panulat ay nakalagay sa store No. 163 ng King Wan Wan, upang maisulat ng mga dumadaan ang kanilang sariling mga interpretasyon ng pag-ibig sa kalooban. Dalawang linggo pagkatapos naming pumasok, may lumabas na linyang dilaw sa sulok ng bintana, nakasulat dito ang “Cheesy tagalog lines para sa kanya” na sinundan ng tatlong puso. Kung simple ang pangungusap, maaaring mas kumplikado ang damdamin sa loob nito. Sa iba't ibang panahon at espasyo, ang mga salitang pag-ibig ay laging may dahilan upang maantig ang puso ng mga tao.
Naisip namin, ganoon din ba ang mga awiting pag-ibig?
Ang kanta ay gumanap ng isang kawili-wiling papel sa proyektong "Not Just Love Stories" sa panahon ng pananatili namin sa King Wan Wan. Bilang karagdagan sa musika na madalas na mapakinggan mula sa iba't ibang mga tindahan, nagtanong din kami: "Aling kanta ang pinakakumakatawan sa pag-ibig para sa iyo?" Minsan, nag-udyok agad kami ng group chorus, minsan biglang sabay-sabay nalang kakanta ang lahat, minsan matagal mag-isip ng kantang pipiliin, maaaring hinuhukay ang sarili nilang mga kayamanan mula sa memorya... Unti-unting nabubuo ang mga kantang ito sa isang patuloy na lumalagong playlist.
Ang Australian singer na si Troye Sivan ay kumanta ng kantang "Angel Baby" na may 80's style. Sabi sa kanta “I just want to live in this moment forever.”
Desperadong isinigaw ng English band na Rixton ang “All I need is a little love in my life” sa kantang “Me and My Broken Heart”
Ang kanta ni Céline Dion na “To Love You More”, sinabi dito “I'll be waiting for you /here inside my heart” na masigasig at punong-puno ng pag-asa.
Ang kantang “Knife” ng Rockwell ay tungkol sa pagtataksil na maihahambing sa isang kutsilyo. “Knife/Cuts like a knife/How will I ever heal?/I’m so deeply wounded.”
"Harana" ng bandang Pilipino na Parokya ni Edgar, ipinaalam sa amin ang ganitong uri ng musika na nagsimula noong panahon ng kolonyal na Espanyol, “ibubuhos ko ang buong puso ko/Sa isang munting harana para sayo.” (Ang ibig sabihin ng Harana ay isang munting awit ng pag-ibig. Ito ay nangangahulugang isang tradisyon na ipinasa sa timog Europa sa pamamagitan ng kasaysayang kolonyal ng mga Espanyol. Ang mga lalaking nililigawan ang mga babae ay may hawak na mga instrumentong may kuwerdas at kumakanta ng panliligaw sa mga babae. May isa pang anyo ng awit ng pag-ibig, ito ay Kundiman. Ito ay may ibang anyo, na naging tanyag noong ika-19 at ika-20 siglo at taglay ang diwang pambansa ng Pilipinas noong panahon ng kolonyal.)
Katulad noong isang hapon sa Linggo, sa pamumuno ng artist na si Liu Chun Liang, naglakad-lakad kami sa ikalawang palapag ng King Wan Wan na may speaker at pinapatugtog ang "Can't take my eyes off you" ng paulit-ulit, sa tuwing chorus na I love you, baby/and if it's quite alright/I need you, baby/to warm the lonely night, humihinto kami at kumakanta ng malakas habang sumasayaw. Walang eksepsiyon, palagi kaming nag-uunahan at sabay-sabay na umaawit.
Sabi sa kanta ng Parokya ni Edgar: “Uso pa ba ang harana?” Marahil ay hindi na tayo kumakanta ng panliligaw sa ilalim ng bintana, ngunit ang relasyon sa pagitan ng musika at pag-ibig ay laging naaangkop sa magkaibang oras at espasyo.
※ Habang tumutugtog ang musika, umiikot, umiindayog, at kumakanta tayo sa pagitan ng mga lukso ng mga nota, nawa'y magkasama tayo sa sandaling ito.
Fiona, HSU Yu Lun
May background sa literature at art, inilaan niya ang kanyang sarili sa pagpaplano ng cross-cultural communication, pananaliksik sa art at pagsulat sa loob ng maraming taon. Nabighani sa magkatuwang na kasanayan ng mga manggagawa sa mga artist o non artist, sinusubukan din niyang tuklasin ang malikhaing potensyal ng pagsasalin ng wika at teksto.