Matatagpuan ang King Wan Wan Shop Mall sa Zhongshan North Road, ito ay umaabot hanggang sa St. Christopher‘s Church. Maraming mga South East Asian convenience store at tindahan sa tabi ng kalsada. Ang buong lugar ay kilala bilang Mini Manila ng Taipei. Ang Mini Manila ay isang lugar na regular ang pagtakbo. Ito ay bukas tuwing Linggo at sarado naman mula Lunes hanggang Sabado. Para siyang bulaklak na Epiphyllum, ito ay karaniwang maikli ang buhay, at ang mga bulaklak ay bumubuka lamang sa isang gabi, at ang panahon ng pamumulaklak nito ay isang beses sa isang linggo. Noong 1970s, ang King Wan wan ay dating shopping mall na nagbebenta ng mga imported na produkto. Matapos maging hindi gaanong maunlad ang mall, ito ay nagkaroon pa ng sunog noon. Luma ang lugar, ngunit ito ay may murang upa na umaakit sa komunidad ng mga Pilipino sa Taiwan. Kung ikukumpara sa Simbahang St. Christopher bilang sentro ng pananampalataya, ang King Wan Wan ay naging isang lugar para sa libangan at pang-araw-araw na pamumuhay. Ang King Wan Wan ay may Chinese character "日" na istraktura sa kaniyang espasyo, karamihan dito ay ang mga hair salon, nail salon, at tindahan ng pagkain. Tuwing Linggo, nabubuhay ang lugar sa boses ng mga tao, at halos lahat ng tindahan ay punong-puno ng mga kaswal na pagtitipon.
Sa katunayan, ang King Wan Wan ay hindi lamang may mga tindahan na pinamamahalaan ng mga Pilipino, ngunit mayroon ding mga Taiwanese stores dito. Ang dalawang partido ay nasa tabi ng isa't isa, ngunit sila ay tila hindi konektado. Tahimik ang mga Taiwanese na tindahan, ngunit busy naman ang mga tindahang Pilipino. Ang pakikipag-ugnayan ng mga Taiwanese ay nakakulong lamang sa loob ng salamin na pinto ng tindahan, habang ang mga pakikipag-ugnayan ng mga Pinoy ay nakakalat sa labas ng tindahan, konektado sila sa isa't isa, at bumubuo pa ng isang market-like network na may emosyon at relasyon dito sa loob ng King Wan Wan Building. Sa madaling salita, ang paghihiwalay sa pagitan ng mga dingding at salamin ay isang anyo lamang, at ang talagang tumutukoy kung ang mga tao ay nakagapos ay ang emosyonal na wika—ang kakayahan at kahandaan ng mga tao na makiramay sa isa't isa. Matapos pumasok sa No. 163 store ng King Wan Wan, nalaman namin kung paano pag-aralan ang mga tamang panuntunan at gramatika, upang hindi lamang namin ito hihilingin, ngunit maaari talagang magkaroon ng pantay na pag-uusap sa komunidad. Ito talaga ang lesson na kinakaharap ng team Not Just Love Stories.
Bilang isang tagalabas sa unang yugto ng pagpasok, hindi maiiwasan ang pagiging hindi sanay sa kapaligiran. Hindi makaakit ng mga tao ang lugar na inuupahan namin, at mahirap maunawaan ang nilalaman ng aming proyekto. Gayunpaman, dumaan kami sa linggo-linggo na pag-eeksperimento, at sinusubukan din namin ang lahat ng aming makakaya na umangkop sa biological clock ng Mini Manila. Bukas ang tindahan namin tuwing Linggo. Lumalabas kami mula sa store No. 163 at nagsasagawa ng interview sa gusali gamit ang mga camera, bouquet, at flyers. Ang kakayahan ng mga artist ay nagbigay sa amin ng napakalaking tulong, ang bintana ay bilang anchor namin, lumalangoy kami ng palabas sa dagat ng King Wan Wan. Sa paglipas ng dalawang buwan na unti-unting nagiging mas pamilyar sa lugar, parami ng parami rin ang mga sumisilip sa aming bintana, at unti-unti na ring kami nakikilala ng mga kaibigang Pilipino. Hindi na sila umaatras kapag lumalapit kami sa kanila, ngunit nagbabahagi sila ng oras, espasyo, at pagmamahal sa amin. Ito ang pinakakilalang kilos ng pagmamahal. Ang store 163 ay nagtataglay ng mga bulaklak bilang imbitasyon, ito ay nagsisimula sa isang token na hindi nangangailangan ng mga salita, at nagbibigay ng daan ng bulaklak na umaabot sa network ng relasyon. Ang espasyo ng King Wan Wan ay hindi nagbago, ngunit ang espasyo ng store 163 ay kumalat. Sa ngalan ng pag-ibig, naging bahagi kami ng lugar na ito.
Madalas na binabanggit si David Simon kapag pinag-uusapan ang konsepto ng espasyo at lugar. Ginagamit ni Simon ang "body-ballet" upang ihambing ang paggalaw ng katawan ng isang indibidwal sa isang postura ng pagsasayaw na tumatagal ng isang yugto ng panahon at nagiging "space routine", ang mga hindi mabilang na "space-time routines" ay bumubuo ng isang "place-ballet." Ito ay nagbibigay ng kahulugan sa espasyo at pagiging isang pakiramdam para sa lugar. Napaka poetic ng mga ganitong metapora, kapag ang paglalagay ng pakiramdam ng katawan sa espasyo ng King Wan Wan ay talagang napakabigha-bighani. Kapag umaalis sa mga tanikala ng trabaho tuwing Linggo, ang Mini Manila ay nagbubukas ng mga ilaw sa stage, nagsimulang umindayog at sumayaw ang mga migranteng manggagawa sa ritmo ng buhay sa ibang bansa.
Ang dalawang palapag ng King Wan Wan ay nagtitipon ng hindi mabilang na mga galaw ng katawan na puno ng aura na ginagawang kanlungan at suporta ng pagtitiwala, nostalgia, ginhawa, pananabik, pagmamahal at iba pang mga emosyon. Taon-taon, ito ay ginaganap sa isang loop, bilang isang muling paggawa ng orihinal na tinubuang-bayan pagkatapos tumawid sa karagatan. Ang hitsura ay bahagyang naiiba, ngunit ang texture ay pantay na maselan. Nang maglakad ang team Not Just Love Stories sa corridor na may korteng “日”, nakikita parati ang mga napakagandang sayaw. Ang mga tao ay nagsimulang tumayo sa kanilang mga tiptoes, hindi nila alam kung nasaan na sila, ngunit umiikot din kasama ang malambing na background sound. Ang proseso ay hindi madali, ngunit ito ay nagkakahalaga ng sampung libong ginto.
Ang kasaganahan ng nakaraan sa King Wan Wan ay hindi naglalaho, ngunit naging mas concentrated ang lugar. Wala na ang mga imported na produkto, napalitan ang mga ito ng mas nakakaantig na katangian. Kaya't sa sayaw ng bagong grupo ng mga mananayaw, ang espasyo ay dinadala sa iba't ibang mga pang-araw-araw na pamumuhay, na lumilikha ng isang mas malakas at emosyonal na imahe, at bawat pagtalon at paglapag ay nakakaantig sa puso. Bukas ang kurtina tuwing Linggo at iniimbitahan ang lahat na pumasok sa lugar. Nagkaroon ng karangalan ang team Not Just Love Stories na sumayaw nang sama-sama, na siyang pinakamatamis na karanasan at alaala ng pananatili sa espasyong ito.
簡子涵 Nicco CHIEN
藝術工作者。過去工作經驗多集中於藝術進駐或文化交流計畫。現則積極以自身跨領域的背景,嘗試探析不同場域的對話可能。育有一貓,當前本職為研究生。