Ako si Liu Chun Liang, para sa akin, isang pribilehiyo na maging konektado sa uniberso, nag-positive ako (sa Covid-19) matapos kong makumpleto ang mini residency at performance (Sixty-Second “I Love You” at The Sum of all these Love) sa King Wan Wan!
Bumaba din ang aking resistensya dahil nagpe-perform ako habang umuulan sa loob ng ilang magkakasunod na araw, at hindi ako nagsuot ng face mask noong Linggo sa aking performance... Napakaraming posibilidad. Malinaw kong naalala ang pakiramdam ng pagkagulat nang hawakan ko ang loob ng aking tainga bago maghugas ng kamay noong kaka-alis ko lang sa King Wan Wan.
Ang mga face masks ay proteksyon ngunit ito ay simbolo ng paghihiwalay din. Ang mga performance at mga katanungan tungkol sa pag-ibig ay puro bang pagtanggap na walang pagtanggi?
Inimbitahan ako na pumunta sa King Wan Wan upang pag-aralan ang "romance", o mga isyu tulad ng komunidad at koneksyon sa isang malawak na kahulugan, tulad ng pagtatagpo sa pagitan ng polygonal mirror at liwanag, kung minsan ay malalim na nalilito sa iridescent na repraksyon sa paligid.
Naisip ko kung ano ang maaaring ibenta bilang isang artist sa komersyal na gusaling ito. Ano ang iaalok? Bumuo ng iba pang mga estratehiya kapag hindi masyadong matao, gamitin ang talatanungan na isinalin ng aking kaibigan na si Issay Rodriguez, maglakad-lakad at makipag-usap sa mga tao. Kalkulahin ang bilang ng mga tindahan na bukas sa una at ikalawang palapag ng King Wan Wan araw-araw (halos hindi hihigit sa 12 sa isang palapag tuwing karaniwang araw), batiin ang mga tao hangga't maaari (ang walang ginagawa ay ang pinaka kahina-hinala), at pakiramdaman ang kapaligiran ng araw. Mag-drawing at mag-unat.
Maaaring masyadong malayo pakinggan ang romansa, pero paano kung "pag-ibig" naman?
Iba-iba ang amoy araw-araw dito, ang amoy ng hair dyes at perm, pero ito ay nagiging pagkain kapag malapit na ang weekend. Sa Linggo, kahit saang tindahan, parating may pagkain sa labas ng pinto. Kahit gaano kakipot ang tindahan, laging may mga nakaupo. Ang mga babae ay nagtatrabaho, at ang ilang mga lalaki ay tila walang magawa. Isang batang may kapansanan sa pag-iisip ang tumatakbo sa pasilyo, pinangungunahan ng isang abalang ina sa isang lubid.
Subukan magtanong, saan makakabili ng mga spices? Sa palagay mo kaya kong mabuhay ako sa Pilipinas habang ako ay nagsi-seafood vegetarian diet? Sa tingin mo ba ang mga lalaking Taiwanese ay palakaibigan sa mga babae? Masakit pa rin kapag paulit-ulit ang mga alam na katotohanan. Halimbawa, may nagsabi sa akin kung paano magtanong ng mga direksyon sa MRT station ay hindi pinansin, at ang mga Taiwanese ay palaging pinaka-friendly sa mga puti.
Dapat may mga tanong na higit pa sa nasyonalidad, para pansamantalang mawala ang mga label.
Paano natin ma-imagine ang pag-ibig? Humiwalay sa kanilang kapareha ngunit nagkaroon ng bagong kasintahan (ang regulasyon ng kasal sa mga bansang Katoliko ay isang pagsubok para sa pag-aaral ng mga relasyon). Sino ang single pa rin? Isang halos limampung taong gulang na domestic migrant worker ang nagsabi sa akin: “Ang iyong kagandahan ay sapat na upang makahanap ng kasintahan.” "Nakatulong din ako sa isa pang Chinese girl na sumagot sa questionnaire dati, napakaganda niya, sana kasal na siya."
Hindi ko na pinansin ang pagkalito niya tungkol sa China at Taiwan sa pag-uusap. May mga topic na pumupukaw sa aking interes, tulad ng matagal na akong single, may mga taong nag-iisip na "hindi mahilig ang Taiwanese sa commitment", may mga taong iniisip na ito ay problema ng mga lalaki. Ang isang solong ina na walong taon nang walang asawa bilang migrante sa gawaing-bahay ay nag-iisip na ang mga lalaking Pilipino na nagtatrabaho sa Taiwan ay hindi mapagkakatiwalaan. Karamihan sa kanila ay may asawa at gusto lang makahanap ng mga “friends with benefits.” Sa lugar na ito, punong-puno ng mga pananabik at hindi mabilang na long-distance relationship. Ang mga may pamilya (hindi maka-uwi ng tatlong taon dahil walang pera pambili ng air ticket), ang mga magkasintahan (nagsama ng dalawang taon lamang sa Pilipinas), at ang may mga anak (madalas na pinalaki ng pamilya ng babae). Siyempre may mga pagtitipon din. Ang tatlong magkapatid na babae ay nagtatrabaho sa iba't ibang lungsod at nagtitipon sa Taipei; kung kaninong kaibigan ang may kaarawan ngayon, sila ay magkasama. Long distance with partner, ngayon ay may Filipino boyfriend sa Taiwan.
Anong klaseng hayop ka sa tingin mo kapag ikaw ay umiibig? Ang mga may aso ay madalas nararamdaman na sila ay tulad ng mga aso kapag sila ay nagmamahal; may mga taong nagsasabi na para silang pagong kapag nagmamahal, may mabigat na shell, kung paanong ang pag-ibig ay pabigat at proteksyon para sa kanila.
Paano magmahal? Sinubukan kong itanong ito sa palabas ko noong Linggo.
Nakipagtinginan ako sa mga strangers sa loob ng 60 segundo, dahil sa tulong ng mga tao, dala-dala ko ang Bluetooth habang kumakanta at naglalakad sa second floor ng King Wan Wan. Para itong flowing party, kung sabay-sabay gumalaw, lahat ay magiging magkaibigan.
If ever kumanta ka ng Can’t Take My Eyes Off You kasama ako sa King Wan Wan, salamat sa iyo. Kung bubuhatin mo ako parang prinsesa mula sa hair salon, salamat. Iyon siguro ang panahon na ako ay parang nagiging prinsesa.
Ang pag-ibig ay umiiral kapag willing kang tumingin sa isa't isa. Umiiral ang pag-ibig kapag patuloy kang nagtitiwala kahit hindi mo ito nakikita.
Hindi ko pa alam kung ano ang pag-ibig, ngunit noong araw na iyon, natutunan kong huwag tumanggi sa anumang sitwasyon.
Maaaring sa isang araw, ang relasyon sa pagitan ng mga tao ay sa pagitan lamang ng mga tao.
Maaaring nandoon ang pag-ibig sa maliit na puwang na iyon.
LIU Chun-liang
Si Liu Chun Liang ay isang sound artist, director, at physical performer. Simula ng nag-umpisa ang Covid-19, bigla siyang nagsimulang magpinta. Siya ay nagsanay sa sosyolohiya at political science, gumagamit siya ng mga istorya, kanta/tunog, pagkain at paggalaw ng katawan upang lumikha ng mga karanasang pandama, mga sitwasyong puwedeng makilahok, tunog, at physical performance. Gumagamit siya ng "mga pandiwa" upang lumikha ng mga karanasan. Ang mga nilikha niya ay nag-iiba ayon sa konteksto, gaya ng tape project sa panahon ng Time_Place_Space: Nomad residency. Mula noong 2014, binuo niya ang pangkat ng pagganap na Moe Chee (Tacit Understanding) kasama ang eksperimentong musikero ng Australia na si Clinton Green. Noong 2016, inilabas ang unang album na Friction, na kinabibilangan ng mga vocal at mga tunog ng kalye mula sa Kaohsiung, Taipei at Melbourne. Siya ay kasalukuyang nagtatrabaho bilang isang freelancer, dati siyang creative director ng Taiwan's "Long Distance" (theatrical troupe), isang project reviewer para sa performing arts critic platform, at isa ring tagasalin at iba pang kritiko ng sining. Sa 2021, ang vocal creation ang magiging pangunahing proyekto niya, at ang solo album na I Thought it was Colourful, but They Said it was BLACK ay inaasahang ilalabas sa taong 2022.