Noong isang umaga, binentahan kami ng florist ng mga bulaklak na may pinakamababang presyo sa lahat ng binentahan niya. Tatlumpung rosas, may dalawang klaseng pula, sa kabuuan ay 300 NTD.
Kung isasaalang-alang ang bilang ng mga bulaklak na ipinamigay bilang isang sukatan, ang kondisyon ng street interview ngayon ay hindi na masama; halos kalahati ng mga rosas ay ipinamigay na sa paligid noong umaga, at matagumpay din naming nakolekta ang mga maikling-sagot sa street interview para sa linggong ito, ngunit wala kaming pagkakataon na makahanap ng mga kinakapanayam na magkaroon ng mas malalim na interview.
Pagkatapos namin kumain, lumipat kami sa ikalawang palapag ng King Wan Wan, parang nawawalan kami ng pag-asa, ngunit sinabi namin sa aming sarili na kailangan namin itong subukan. Kinuha namin ang natitirang mga rosas at pinamigay ang mga bulaklak sa mga tao sa makitid na koridor na may “日” shape; sa romantikong imahe ng mga rosas, sinubukan namin kung paano mabuksan ang puso ng mga tao.
Noong una naming nakilala ang isang ate, ang premonisyon ng kapalaran ay hindi lumitaw. O sa halos buong araw, parang nawawalan na kami ng gana. Sa madaling salita, si ate ay isa sa mga tindahan sa ikalawang palapag, at nagkataong nag-aayos siya ng mga damit sa kanyang tindahan. Inabot namin ang mga rosas sa kanya, kaagad niyang tinanggap ang mga ito, ngunit hindi pa rin siya tumigil na magtrabaho; hawak-hawak niya ang mga bulaklak, pero ang kanyang mga mata ay laging nakatutok sa mga produktong inaayos niya. Gayunpaman, sa medyo nakakahiyang sitwasyon na ito, mabait at tahimik siyang nakinig, itinuon ang aming mga salita sa kanyang mga tainga. Maaaring hindi siya nakatingin sa amin, ngunit naramdaman namin nandoon ang kanyang puso.
Ibinato namin ang tanong para sa street interview ngayon, tinanong namin siya kung kailangan niyang pumili ng regalo para sa kanyang kasintahan, ano ang pipiliin niya. Matapos namin ipaliwanag ito, itinigil niya ang kanyang trabaho; lumingon siya sa amin at sinabi niya habang kumikinang ang kanyang mga mata: "Kung nasira ang pitaka niya, bibigyan ko siya ng pitaka. Kung nasira naman ang sinturon, bibigyan ko naman siya ng sinturon. Walang dalawang pag-iisip, banayad at matatag ang kanyang sagot. Sa sandaling ito, napansin ko ang banayad na pagbabago sa hangin; parang paghuhukay ng mga ginto, may nakita akong munting kinang sa umaagos na tubig. Ang gayong mga maliliwanag na mata ay dapat na balot ng mga tanikala na sapat na upang maiangkla ang buhay.
Noong 1996, dumating si ate sa Taiwan bilang isang migrante at nagtrabaho sa isang pabrika ng mga elektronikong piyesa. Sa simula, madalas siyang nagkakamali sa mga trabaho, at kailangan niya ng tulong ng kanyang bisor upang ayusin ang mga ito. Sa paglipas ng panahon, nagkaroon siya ng higit na pakikipag-ugnayan sa kanyang bisor sa oras ng trabaho. Si ate ay hindi masyadong pinaliwanag ng mabuti ang kanyang istorya noong nakaraan, ngunit hindi ko pa rin maiwasang magdala ng ilang mga damdamin ng kababaihan na may pinakaluma at walang katapusang plot setting sa mga teleserye. Kung ang lalaki ay walang gusto, hindi ito mararamdaman ng babae. Habang tumatagal ang oras na magkasama, ang damdamin ay maaaring lumawak; tulad ng plum na alak, ang lasa ng alak at berdeng mga plum ay unti-unting tumatagos sa isa't isa, at habang mas mahaba ang oras, nagiging mas malasa ito. Darating ang pag-ibig sa tamang panahon. Pagkatapos ng dalawang taong pagsasama, nagpasya silang magkapit-bisig at nagpakasal. Pagkatapos, nagpabalik-balik sila sa Pilipinas at Taiwan para ayusin ang mga dokumento, at nagsagawa ng seremonya ng kasal sa kanilang bayan, lalo na ang seremonya sa Pilipinas ay napakahalaga kay ate. Napaligiran siya ng mga mahal niya sa buhay habang nakasuot ng wedding gown na punong-puno ng mga pagpapala, hinawakan niya ang kamay na makakasama niya habang-buhay. Ito ay siguradong tiyak na walang hanggan at hindi malilimutang alaala.
Ngayon mahigit 20 taon na ang lumipas, bukod sa mag-asawa, may dalawa pa silang babaeng anak sa pamilya. Nang magsalita si ate tungkol sa kanyang mga anak, ang kanyang mga mata ay kumikinang ng ibang kulay. Ipinagmamalaki niya ang mga nagawa ng kanyang mga anak, ngunit kasabay nito ay naaawa siya sa kanilang namumula at namamaga na mga mata sa pagpupuyat sa magdamag upang mag-aral. Iyan ang pag-aalala at pagmamahal na mayroon ang mga magulang sa kanilang mga anak habang-buhay. Tinanong ko si ate kung madalas ba siyang bumisita sa pamilya niya sa Pilipinas. Sinabi niya na umuuwi siya kasama ang mga anak bawat taon. Ang kanyang asawa naman ay madalas na hindi nakakasama dahil sa trabaho, ngunit sumasama naman kapag may oras.
"Kadalasan mo bang kinokontak ang pamilya mo sa Pilipinas?"
“Siyempre! Madalas akong tumawag sa kanila.”
“Mabait ba sa iyo ang pamilya ng asawa mo?”
“Sobrang bait nila sa akin, tinuturing nila akong totoong anak.”
“Yung pamilya mo? Sinuportahan ka ba sa iyong desisyon?”
“Oo, sinusuportahan nila ako.”
Sa panahon ng fieldwork, marami kaming nakolektang mga kuwento, at karamihan sa mga kuwentong ito ay naglalaman ng iba't ibang antas ng kalungkutan, na naging dahilan upang kami, bilang mga tagapakinig at tagapagtala, ay lubhang nalungkot. Dito, ang pag-ibig ni ate ay parang bahaghari, na sinuspinde ang tila walang katapusang ulan at naglalagay ng pilak na hangganan sa pagitan ng kulay abong ulap. Tinanong ko kung maaari kong ilagay ang kanyang kuwento sa mga salita at ibahagi ito sa lahat. Siya ay sumang-ayon, at sa parehong oras ay sinabi na may nakakahiyang ngiti: “Ang aking kuwento ay napaka-ordinaryo! Ang mga kuwento ng iba ay mas maganda kaysa sa akin." Sinabi ni ate na nagkataon lang silang nagkakilala at na-inlove, at natural na nagpakasal. Normal lang, walang espesyal. Ngunit ang ganitong pagiging ordinaryo ang hinahanap ng lahat. Gaya ng isinulat ni Hsu Ching-Fang sa librong “Mga Kondisyon sa Pagpili ng Asawa”, "Panginoon, hayaan mo kaming maging ordinaryong magkatuwang, magsagawa ng pang-araw-araw na paglaban, at bawat pulgada ng buhay sa pang-araw-araw na pangangailangan ay nakakatulong sa katarungan." Oo, sapat na ang maging isang ordinaryong mag-asawa.
Sa huling parte ng panayam, nakatayo pa rin kami sa pasukan ng tindahan, ngunit ang aming mga kalamnan ay naka-relax na, at naging mas malapit kami sa isa’t isa. Hindi namin napigilan ang saya na bumubulusok mula sa kaibuturan ng aming mga puso, at ang mga mata ni ate ay puno rin ng mga ngiti na nagpaliwanag sa kanyang mukha. Matapos hindi na kailangan pang alagaan ang mga anak nang magkahawak-kamay, nagbukas si ate ng tindahan ng damit na ito sa ikalawang palapag ng King Wan Wan, apat na taon na ang lumipas ngayon. Ang tindahan ay nagbubukas tuwing Linggo, at paminsan-minsan ay inaayos ang mga damit na ibebenta. Ito ay isang maliit at cute na tindahan. Tumingala ako at tumingin sa paligid ng tindahan, at napagtanto kong may hawak pa akong rosas sa aking kamay. Nang igalaw ko ang aking katawan, maraming petals ang kumalat sa sahig, parang umuulan ng matingkad na pulang bulaklak.
Naging malungkot ang Taipei sa loob ng ilang linggo at buwan, ngunit sa wakas ay umaraw na rin ngayon. Noong Nobyembre 13, 2022, ang araw ay sumikat, umiibig ang mga tao sa King Wan Wan, at ang masuwerteng bulaklak ay mga pulang rosas. Ito pala ay naging isang magandang senyales.
簡子涵 Nicco CHIEN
藝術工作者。過去工作經驗多集中於藝術進駐或文化交流計畫。現則積極以自身跨領域的背景,嘗試探析不同場域的對話可能。育有一貓,當前本職為研究生。